NEDA nagpasalamat sa European Union
SINABI ni NEDA Deputy Director General Rolando Tungpalan na sa paglagda ng kasunduan ng European Union at Pilipinas, makikita ag matibay na pagkakaibigang namamagitan. Layunin nitong mapa-unlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
Pagpapatotoo lamang ito ng patuloy na tulong ng European Union sa Pilipinas na mabawasan ang kahirapan sa bansa sa pagkakaroon ng mas matatag na hanapbuhay at higit na mapahusay ang pamamalakad sa mga pamahalaan. Layunin ito ng pagbabawas ng kahirapan.
Ani Kalihim Tungpalan, ang European Union ang ika-apat na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas na nagtamo ng US$ 12.8 bilyong halaga ng kalakal noong 2013.
1 2 3 4 5