|
||||||||
|
||
Obispo Tumulak: "Handa na ang lahat"
BISHOP TUMULAK: HANDA NA ANG LAHAT. Sinabi ni Bishop Leopoldo S. Tumulak na maganda ang koordinasyon ng pulisya at militar para sa paghahanda sa pagdalaw ni Pope Francis. Nanawagan siya sa madla na magtulungan upang maging payapa ang mga dadaluhang okasyon ni Pope Francis na darating bukas ng hapon. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Bishop Leopoldo S. Tumulak na handa na ang pulisya, mga militar, at maging mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa pagdating ni Pope Francis bukas ng hapon.
Sa panayam sa chairman ng Security and Public Order Committee sa pagdalaw ni Pope Francis, sinabi ni Bishop Tumulak na sa kanyang mga nadaluhang pagtitipon ng mga alagad ng batas, napuna niyang handa na ang lahat. Kahit umano si Pangulong Aquino ay nagnanais na maging maayos ang lahat sa pagdalaw ng Santo Papa mula bukas ng hapon hanggang Linggo ng umaga.
Kahit pa umano may mga balitang luamabas na may banta sa buhay ni Pope Francis, kabilang siya sa mga umaasahang walang anumang problemang madarama.
Idinagdag pa ng obispo na maganda ang pagtutulungan ng mga kawal ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at mga Philippine Coast Guard.
Mas makabubuting payagan ng mga autoridad na makasalamuha ng Santo Papa ang mga mamamayan sa kanyang daraanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |