|
||||||||
|
||
Pilipinas, punong-abala sa unang APEC Senior Officials Meeting
SA Maynila gagawin ang unang First APEC Senior Officials Meeting and Related Meetins mula ika-29 ng Enero hanggang ika-pito ng Pebrero sa Clark at Subic Free Port Zones.
Ito ang unang pulong ng senior officials sa taong ito. Magsisimula ito sa serye ng higit sa 30 working group, committee-level meetings hinggil sa Trade and Investment, Economic and Technical Cooperation, Anti-Corruption. Counter Terrorism, Competition Policy, Ocean and Fisheries, Customs, E-Commerce, Life Sciences, Health, illegal logging.
Kasunod ng matagumpay na pagpupulong noong ika-8 hanggang ika-9 ng Disyembre sa Maynila ng mga delegato ng APEC Informal Senior Officials' Meeting, pag-uusapan ang mga paraan upang magkatotoo ang nilalaman ng temang "Building Inclusive Economies, Building a Better World."
Magpupulong ang working group at committee-level participants mula ika-26 ng Enero hanggang ika-5 ng Pebrero samantalang ang Senior Officials' Meeting ay mula sa ika-anim hanggang ika-pito ng Pebrero 2015 sa Fontana Leisure Park sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
Gagawin din ng Pilipinas ang Public-Private Dialogue sa Information Technology and Business Process Management, Creative Industries at Research and Development Services sa ikatlo ng Pebrero. Ang PPD sa Services ang una sa serye ng Dialogue Series na layuning magiyahan ang APEC Senior Officials at ang APEC Business Advisory Council sa pagsusulong ng trade in services sa Asia-Pacific Region.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |