Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maganda ang mga nagaganap sa Pilipinas ngayon

(GMT+08:00) 2015-01-14 16:53:13       CRI

Mga Media Center, pinasinayaan

MEDIA CENTERS, PINASINAYAAN.  Pinamunuan ni Bp. Mylo Hubert C. Vergara (gitna) ang pagbabasbas ng dalawang media centers para sa papal visit mula bukas.  Nasa lawaran din si Msgr. Pedro C. Quitorio ng CBCP Media Office at Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. (Melo M. Acuna)

 

 

"EXCITED ANG BANSA SA PAGDATING NI POPE FRANCIS" - Ito ang sinabi ni Secretary Sonny Coloma, Jr. sa isang exclusive interview sa The Tent, Media Center sa Manila Hotel Complex.  Isa si Kalihim Coloma sa hinirang ni Pangulong Aquino na makipag-ugnayan sa mga alagad ng Simbahang Katolika.  (Melo M. Acuna)

 

 

 

MGA PULIS NAGSASANAY NA.  Ibayong paghahanda ang ginagawa ng pulisya at militar sa pagdating ni Pope Francis.  Makikita sa larawan ang mga pulis na magbabantay sa daraanan ng grupo ni Pope Francis mula bukas ng hapon hanggang sa Lunes ng umaga.  Kuha ang larawang ito sa may Rizal Park.  (Melo M. Acuna)

 

 

SIMPLENG pagbababasbas ang ginawa ni Bishop Mylo Hubert C. Vergara, ang chairman ng Episcopal Commission on Social Media and Mass Communications sa The Tent, Manila Hotel Complex kaninang ikatlo ng hapon. Kasama sa pagbabasbas si Msgr. Pedro C. Quitorio III, ang director ng CBCP Media Office at si Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office.

Sa panayam kay Kalihim Coloma, sinabi niyang ginawa ng pamahalaan ang media center upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamahayag mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig at bansa na makapagpadala ng kanilang mga pelikula at mga balita sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ang isa pang media center ay nakalagay sa Manila Diamond Hotel sa kahabaan ng Roxas Blvd. na siyang titirhan ng mga mamamahayag na kasama ng delegasyon ng Vatican City.

Naglagay ng mga transmission facilities ang Radio TV Malacanang na siyang kukunan ng mga materyales ng mga nasa iba't ibang television station at mga pahayagan. Mayroon ding live feeds para sa mga mamamahayag na hindi makakasama sa actual coverages.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>