Foreign remittances umabot ng US$ 24.4 bilyon
LUMAGO ang ipinadalang salapi ng mga manggagawang Filipino sa unang labing-isang buwan ng 2014 kaya't umabot sa US$ 24.4 bilyon. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa US$ 2.3 bilyon ang naipadalang salapi noong Nobyembre at mas mataas ito ng 1.8% kaysa noong Nobyembre ng 2013.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr., sa paghahambing ng ipinadalang salapi sa nakalipas na 11 buwan, mas mataas ang natanggap ng mga pamilyang Filipino nitong 2014 ng may 6.2%.
Nagmula ang malaking remittances sa land-based workers na may mga kontratang higit sa isang taon at mga magdaragat na at land-based workers na may mas maiksing kontrata sa isang taon.
1 2 3 4 5