|
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, inakusahan na naman
AKUSADO na naman si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ng pangungulimbat ng may P 200 milyon mula sa isang transaksyon sa pagitan ng Alphaland Corporation at Boy Scouts of the Philippines.
Ito ang sinabi ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagdinig kanina sa Senado sa pagpapatuloy ng imbestigasyong ginagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee. Nakipagkasundo umano ang Boy Scouts of the Philippines sa Alphaland noong 2008 upang gawin ang ari-arian ng BSP sa Malugay St., Makati City.
Ani Mercado na noo'y BSP Senior Vice President, inutusan siya ni Binay na lagdaan ang joint venture agreement sa kanyang ngalan. Sa kasunduan, ani Mercado, ang BSP ay tatanggap ng kitang 15% ng proyekto samantalang matatamo ng Alphaland ang 85%.
Sinabi ni Mercado na wala pang natatanggap ang BSP na halagang P600 milyon samantalang si Binay ay nagtamasa ng 5% ng proyekto na nagkakahalaga ng higit sa P 188 milyon. Ginamit umano ni G. Binay ang halaga sa kanyang kampanya noong 2010.
Sinabi pa ni Mercado na magrereklamo siya sa Ombudsman ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |