![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Matapos ang matagumpay na pagdalaw, mas maraming gagawin
MAS MARAMING GAGAWIN SA PAGLISAN NG SANTO PAPA. Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas (kanan) sa isang press briefing sa Pope Pius XII Catholic Center Huwebes ng hapon. Kailangang bigyang-pansin ang pangangailangan ng mga mahihirap at iba ang nangangailangan ng tulong, anang arsobispo. Kasama niya sa larawan si Archbishop Romulo Valles (Melo M. Acuna)
SA limang araw na pamamalagi ng Santo Papa sa Pilipinas, susuklian ito ng mga isang buwang panalangin mula ngayon hanggang sa isang ika-22 ng Pebrero. Ito ang binanggit ni Arsobispo Socrates B. Villegas ng Arkediyosisis ng Lingayen-Dagupan sa isang press briefing sa Pope Pius XII Catholic Center.
Isa umanong malaking tagumpay ang pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas na nagtapos noong Lunes, ika-19 ng Enero.
Binanggit din ni Arsobispo Villegas na sasabay ang buong kapulungan ng mga obispo sa Pilipinas sa pagdiriwang ng Cebu ng Kablag, ang ika-450 taong pagkakatagpong muli sa imahen ng Santo Nino.
Magkakaroon din ng mga programa upang ituloy at mapalalim ang pakikilahok ng mga Pilipino sa "Year of the Poor."
Samantala, magpupulong pa ang kumiteng nangangasiwa sa physical at finance committees upang mabalid ang halaga ng salaping nagastos sa pagdating ni Pope Francis. Sa briefing, sinabi ni Arsobispo Villegas na nakatakdang magpulong ang mga kasapi sa Finance Committee ngayon upang makuha ang actual figures.
Pinakamalaking gastos ang pag-arkila ng wide screen television at sound systems. Bagaman, kung may sobrang salapi sa nalikom, ipadadala ang nalikom kay Pope Francis na maraming charitable organizations. Niliwanag din ni Arsobispo Villegas na hindi humiling ng tulong si Pope Francis sa kanila at tanging pagmamagandang–loob sa kabutihang ipinadama ng panauhin.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |