|
||||||||
|
||
Pagsusuri sa Bangsamoro Basic Law nararapat
SINABI ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na maglalabas ang kapulungan ng mga obispo ng pahayag sa mga susunod na panahon hinggil sa magiging posisyon nila sa kontrobersyal na panukalang batas na kilala sa pangalang Bangsamoro Basic Law.
Kailangan umanong makarating ang kanilang posisyon sa Senado at Kongreso na nagbabalik-aral sa panukalang batas. Ipinagtanong ni Arsobispo Villegas kung lahat ba ng mga mamamayan ay natanong kungkol sa mga isyung bumabalot sa paglalaan ng higit na autonomiya sa Bangsamoro. Hindi rin ba tataliwas ito sa itinatadhana ng Saligang Batas, tanong pa ni Arsoboispo Villegas.
Nangangamba sila ni Arsobispo Romulo Valles ng Davao na baka ang inaakalang pagbubunyi ng pamahalaan ay maudlot at mauwi sa kaguluhan.
Tumanggi silang sabihin kung ano ang akala nila sa Bangsamoro Basic Law, kung minadali pa ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |