|
||||||||
|
||
150210melo.mp3
|
Dating pinuno ng Special Action Force, walang masabi
KALIHIM ROXAS, DUMALO SA PAGDINIG. Sa ikalawang araw ng pagdinig ng Senado sa madugong sagupaan sa Maguindanao, makikita si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakikipag-usap kay Senador Grace Llamansares-Poe. Layunin ng pagdinig na makabuo ng mga palatuntunan upang maiwasan ang madugong sagupaan sa Mindanao. (PRIB Photo ni Romeo Bugante)
WALANG naisagot si Police Director Getulio Napeñas sa tanong kung bakit ibinigay niya ang daliri ng sinasabing si Marwan sa mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation na naghihintay sa General Santos City at hindi sa angkop na security agencies sa Pilipinas.
Si Senador Loren Legarda ang nagtanong kay Director Napeñas sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kanina. Sa halip na sagutin ng diretso ang tanong, humiling si Napeñas ng isang executive session sapagkat mayroon umanong security implications ang isyu.
Iginiit ni Bb. Legarda kung bakit hindi sa National Bureau of Investigation o kay Secretary Mar Roxas o kay Deputy Director General Leonardo Espina. Matapos ang matagal na pananahimikm sinabi ni G. Napeñas na handa siyang magsalita sa isang executive session.
Bago naganap ang pagtatanong na ito, tumanggi si Napeñas na wala siyang alam kung batid ng Estados Unidos ang kanilang operasyon sa Mamasapalano noong ika-25 ng Enero na ikinasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force. Subalit inamin niyang noong naglunsad sila ng operasyon, humingi siya ng tulong sa mga kawal na Americano sa Zamboanga na ilikas ang mga sugatang kawal.
Itinanong ni Senador Francis Escudero kung bakit kailangang ibigay ang kontrobersyal na daliri sa FBI kung walang kinalaman ang mga Americano sa operasyon. Inulit ni Napeñas ang kahilingang magkaroon ng executive session.
May isang tauhan ng SAF na nagsabing ibinigay nila ang kontrobesyal na daliri sa mga tauhan ng FBI sa General Santos City. Sa pagsusuri ng FBI, lumabas ang balita noong ika-lima ng Pebrero na mula ang daliri sa katawan ni Marwan na napaslang sa operasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |