Pilipinas, patuloy sa pakikipag-ugnayan sa Embahada sa Libya tungkol sa mga biktima ng kidnapping
TULOY ang pagtatangka ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya na makabalitaan ang mga may kagagawan ng pagdukot sa tatlong Pinoy na dinukot sa kalagitaan ng Libya kamakailan.
Sa isang press briefing, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada sa Tripoli upang mabatid ang kalagayan ng tatlong naglilingkod sa isang petroleum company sa napakagulong bansa.
Wala pa umanong nagpapakilalang may tangan o may kagagawan ng pagdukot. Tumanggi si Asst. Secretary Jose na kilalanin ang mga biktima sa pangakong ipababatid nila kaagad sa mga kamag-anak ng nadukot ang anumang pinakahuling pangyayari o balita sa pinakamadaling panahon.
Ipinangako ni G. Jose na gagawin ng Pilipinas ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa kasabay ng panawagan sa may 4,000 mga Filipino sa Libya na umuwi na sa bansa upang huwag nang manganib.
1 2 3 4 5 6