|
||||||||
|
||
Department of Foreign Affairs, tahimik sa isyu ng mga Americano sa Mamasapano
BAHALA NA ANG MGA ALAGAD NG BATAS. Niliwanag ni Asst. Secretary Charles Jose na bahala na ang law enforcement agencies na magpaliwanag sa papel ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation sa pagsusuri ng daliri ng teroristang si Marwan. Wala umanong nilabag na batas ang pagtulong ng mga Americano sa paglilikas ng mga sugatan at mga nasawi sa Maguindanao, dagdag pa ni Asst. Secretary Jose. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Foreign Affairs Asst. Secretary Charles Jose na may kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Joint Special Operations Task Force - Philippines, tumugon ang America sa kahilingan ng mga Armed Forces of the Philippines na tulungan silang ilikas ang mga sugatan sa naganap na sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Nliwanag ni G. Jose na walang nilalabag na batas ang pagtulong ng mga Americano sa naganap sa Maguindanao sapagkat mga may bilateral training ang mga tauhan ng pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Philippines-US Mutual Defense Board Security Engagement Board and Visiting Forces Agreement. Wala umanong Americanong nasangkot sa operasyon sapagkat hindi ito pinahihintulutan ng batas ng Pilipinas.
Bahala na umano ang mga law enforcement agencies na magpaliwanag kung ano ang papel ng Federal Bureau of Investigation sa pangangasiwa sa kontrobesyal na daliri ng sinasabing teroristang si Marwan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |