|
||||||||
|
||
Exports ng Pilipinas, matatag pa rin
LUMAGO ang merchandise exports ng Pilipinas ng may 9% sa buong 2014 kahit pa nagkaroon ng 3.2% na pagbaba noong nakalipas na Disyembre dahil sa mas mababang bilang ng mga kargamento ng mga may pabrika, pangkalahatang agro-based at petroleum products. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, kung ihahambing sa ibang mga ekonomiya ng iba't ibang bansa sa rehiyon, ang buong exports ng Pilipinas ay nanatiling matatag kahit pa maraming problema sa ekonomiya sa daigdig. Naging mabagal ang kalakal ng Pilipinas sa Euro area, sa Japan at Tsina kaya't bumagal din ang kalakalan sa rehiyon.
Ang total revenue exports mula sa PIlipinas ay umabot sa US$ 4.8 bilyon noong Disyembre mula sa US$ 5.0 bilyon noong 2013. Ang total sales receipts para sa buong 2014 ay tumaas at natamo ang halagang US$ 61.8 bilyon mula sa US$ 56.7 bilyon noong 2013.
Ang export earnings mula sa manufactured goods ay umabot sa US$4.18 bilyon noong Disyembre 2014 mula sa US$4.23 bilyon noong Disyembre 2013.
Ipinaliwanag ni Secretary Balisacan na ito ay dahilan sa pagbaba ng ibang manufactured products, wood manufactures at electronic equipment and parts. Ang outbound sales ng electronic products, machinery at transport equipment, mga damit at miscellaneous manufactured articles at mga kemikal ay maayos naman.
Bumagal ang benta ng mga produktong mula sa niyog at asukal kaya't bumaba ang kita ng lahat ng agro-based products ng may 24.9% mula sa US$ 388.7 milyon noong Disyembre 2013 ay umabot na lamang sa US$ 291.8 milyon noong Disyembre 2014.
Bukas sa Prospects 2015 ng Foreign Correspondents Association of the Philippines maitatanghal ang larawan ng ekonomiya sa taong ito. Kabilang sa magsasalita si Secretary Balisacan, ang economic planning secretary.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |