Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating pinuno ng Special Action Force, walang masabi

(GMT+08:00) 2015-02-10 17:11:39       CRI

Moro Islamic Liberation Front, kailangang dumalo sa pagdinig

SENATE PRESIDENT DRILON, LUMAHOK SA PAGSISIYASAT. Tinanong ni Senate President Franklin M. Drilon si Rasid Ladiasan (nakatalikod sa larawan) chairperson ng MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities kung maibabalik ng MILF ang mga sandata at kagamitan ng mga napaslang na pulis at kung desidido ang MILF na dakpin si Abdul Basit Usman. Sinabi ni Senador Drilon na mas makabubuting mas mataas na lider ng MILF ang tumugon sa mga tanong. (PRIB Photo ni Joseph Vidal)

MILF, HINDI MAKADADALO SA PAGDINIG. Binabasa ni Rasid Ladiasan ang liham ni Bangsamoro Transition Chair Mohager Iqbal na nagpapaliwanag kung bakit hindi sila makadadalo sa pagsisiyasat ng Senado. Napapaloob sa liham kay Senador Grace Poe na gumagawa rin sila ng pagsisiyasat sa naganap sa Mamasapano. (PRIB Photo ni Cesar Tomambo)

DALAWANG mambabatas ang nanawagan sa Moro Islamic Liberation Front na dumalo sa mga pagdinig ng Senado at Kongreso sa madugong pangyayari sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Linggo, ika-25 ng Enero.

Sa isang press conference, sinabi ni Magdalo Representative Gary Alejano na nararapat pakinggan ang panig ng MILF sa mga alegasyong itinago nila ang Malaysian international terrorist na si Marwan at ang teroristang Pinoy na nagngangalang Abdul Basit Usman.

Ani Alejano, isang dating kawal, ang pagsipot ng MILF sa mga pagdinig ang magpapakita ng katapatan upang pagtiwalaang muli ng Kongreso at ng mga mamamayan ang Bangsamoro bill.

Idinagdag ng mambabatas na kung hindi magsasalita ang MILF, hindi maibabalik ang tiwala ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Kung walang makikitang katapatan ang mga mamamayan sa MILF, hindi maisusulong ang Bangsamoro bill, dagdag pa ng mambabatas.

Sa panig ni Congressman Tupay Loong, isang dating commander ng Moro National Liberation Front, ang hindi pagsipot ng MILF sa pagdinig ng Kongreso ang magbibigay ng pananaw na nagkasala nga sila sa pagpaslang sa mga pulis ng Special Action Force.

Hindi magiging madali ang pagsipot ng MILF sapagkat dadaan pa ito sa kanilang Central Committee na nananatiling isang grupo ng mga rebelde. Magugunitang ang MILF ay isang breakaway group mula sa MNLF.

Ayon kay G. Loong, mananatiling mga rebelde ang MILF hanggang hindi naipapasa ang Bangasamoro Basic Law kaya't hindi basta makahaharap sa media si Mohager Iqbal ng walang panintulot ng kanilang central committee.

Hindi nakadalo ang mga pinuno ng MILF sa pagdinig kahapon at kanina sapagkat sila umano'y nananatiling isang "revolutionary group."

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>