Usman, sugatan mula noong Mamasapano encounter
HINDI magtatagal ay mahuhulog na rin sa kamay ng mga autoridad si Basit Usman, ang sinasabing dalubhasa sa paggawa ng mga bomba. Magugunitang pinaghahanap siya ng pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos at isa sa dahilan kaya't naglunsad ng operasyon ang mga pulis ng Special Action Force.
Ayon kay Governor Esmael Mangudadatu ng Maguindanao, nasugatan si Usman at nagtatago ngayon sa kanyang lalawigan. Anang gobernador, nasa kaundukan ang bomb-expert. Nakapanayam ng mga mamamahayag si Governor Mangudadatu sa pagtatappos ng Sagayan Festival sa Buluan, Maguindanao kanina.
Isa umanong mapagkakatiwalaang source ang nagbalita sa kanya kamakailan. Hindi matiyak ang kanyang kinalalagyan sapagkat patuloy na humikilos kahit pa sugatan sa kamay. May mga tagasunod pa rin si Usman, dagdag pa ni Governor Mangudadatu.
May sampu hanggang 15 katao ang nagpapalitan sa pagbubuhat sa sugatan. Nanawagan din si Governor Mangudadatu sa kanyang mga kababayan na huwag mag-atubiling magsumbong sa mga autoridad(sa oras na makita ang sugatang si Usman).
1 2 3 4 5