Pamahalaan, naglaan ng P 9 bilyon para sa kapayapaan
SALAPING magagamit sa pagpapa-unlad ng kanayunan at magsusulong sa kapayapaan ang inilaan ng Department of Budget and Management para sa taong ito, ayon na nakatala sa 2015 General Appropriations Act. Ayon kay Secretary Florencio "Butch" Abad, nagkakahalaga ito ng P 9.94 bilyon.
Sinabi ni Secretary Abad na upang magkaroon ng "inclusive growth," kailangang isulong ang kapayapaan na mangangailangan ng pagtutulungan ng magkabilang-panig.
Determinado umano ang Aquino Administration na suportahan ang mga komunidad sa kanilang pangangailangan upang matamo ang seguridad sa bansa.
Higit sa P 2.5 bilyon ang inilaan sa Bangsamoro Peace Process, at halos P 7.5 bilyon ang inilaan sa Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA. May inilaan ding P 950 milyon para sa Department of Social Welfare and Development. Hiwalay ito sa budget ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
1 2 3 4 5