Halos dalawang taong proyekto, sisimulan na sa Makati
TIYAK na hihigpit ang daloy ng trapiko sa Central Business District ng Makati bago ito lumuwag sa paghuhukay at paggawa ng may 880 metrong Sentaor Gil J. Puyat Avenue/Makati Avenue – Paseo de Roxas Vehicle Underpass projust na magsisimula na sa darating na Abril.
Sinabi ni Public Works Secretary Rogelio L. Singson na sisimulan ang proyekto sa oras na matapos ang mga pre-construction activities sa buwan ng Marso.
Nanawagan si Secretary Singson sa mga motorista na unawain ang kanilang gagawin. Pipilitin nilang matapos kaagad ang proyekto na magtatagal ng 22 buwan. Pasado na kay Pangulong Aquino at sa NEDA Board ang proyekto. Layunin nitong mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan.
Nagkakahalaga ito ng P 1,27 bilyon at sa oras na matapos, walang humpay ang daloy ng mga sasakyan sa Makati Avenue at Paseo de Roxas sa Enero 2017. Magkakaroon ito ng four lanes sa Senator Gil Puat Avenue na daraan sa Makati Avenue at Paseo de Roxas intersections na kinabibilangan ng isang covered tunnel na may habang 570 metro.
1 2 3 4 5