Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ng Pilipinas at MILF kailangang ibalik ang tiwala ng madla

(GMT+08:00) 2015-02-11 17:54:57       CRI

KAILANGANG itigil ang ginagawang pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law at alamin kung ano ang naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na ika-25 ng Enero. Magugunitang nasawi ang may 60 katao na kinabibilangan ng mga tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police, mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front at mga sibilyan sa madugong sagupaan.

CONFIDENCE-BUILDING KAILANGAN.  Ito ang sinabi ni Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa kanyang talumpati sa "Prospects for the Philippines" ng Foreign Correspondents Association of the Philippines.  Sinabi ng mambabatas na may mga kailangang gawin ang panig ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front matapos ang madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero.

Ito ang sinabi ni Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa kanyang pagharap sa Prospects for the Philippines forum na itinaguyod ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa Fairmont Hotel sa Makati.

Ipinaliwanag ng mambabatas na pinagtatangkaan nilang matapos ang mga public hearing hinggil sa panukalang batas ng biglang naganap ang sagupaan noong nakalipas na buwan. Ani G. Marcos, kailangang mabatid ang katotohanan sa madugong sagupaan. Bagaman, hindi sila mananatiling maghihintay ng ginagawang pagsisiyasat sapagkat kailangang maipon ng bubuuhing "Truth Commission" ng Senado ng Pilipinas upang makita ang tunay na larawan ng insidente.

Maliwanag umanong nawala ang pagtitiwala ng taongbayan sa peace process kaya't kailangang kumilos ang Pamahalaan ng Pilipinas at ang Moro Islamic Liberation Front sa pagkakaroon ng mga confidence-building measures.

Sa panig ng pamahalaan, kailangang ipaliwanag kung ano ang tunay na naganap samantalang sa MILF, kailangang maibalik ang mga sandata at mga kagamitan ng pulis na napaslang. Nakalipas na umano ang 15 araw at wala pang nagaganap at hindi naman dumadalo sa pagdinig ng Senado ang mga pinuno ng MILF.

Marapat ding ipaliwanag ng MILF kung ano ang kanilang relasyon sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nakipag-alyansa na sa ISIS na pinagmumulan ng kaguluhan sa Middle East.

Makatutulong din kung ang MILF na mismo ang magdadala ng mandamiento de arresto sa sinasabing teroristang si Usman at ilan pang mga terorista sa kanilang nasasakupan.

Marami umanong matutuhan ang pamahalaan sa mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas sa ilalim ng Tripoli Agreement noong 1976 at sa GPH-MNLF Peace Agreement na nilagdaan noong 1996. Dapat suriin hindi lamang ang autonomiyang ibinigay sa kanila kungdi ang mga kaunlarang inasahan sa ekonomiya ng pook na tila nalimutan ng pamahalaan.

Naniniwala pa rin si Senador Marcos na makatutulong ang mga pagsusuring ito sa proseso tungo sa kapayapaan.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>