Kalakal ng sasakyan, sumigla
MAGANDA ang naging simula ng taong 2015 sa industriya ng mga sasakyan sa pagkakaroon ng 193% increase sa buwan ng Enero kung ihahambing sa naipagbiling mga sasakyan noong Enero ng 2014. Ang mga sasakyang pampasahero ay nagkaroon ng 18,662 units na naipagbili at mas mataas sa 15,647 units na naibente noong Enero ng 2014.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, karaniwang mahina ang benta ng mga sasakyan sa bawat buwan ng Enero subalit ang naitala nitong nakalipas ng buwan ay napakaganda.
Kotse ang nangunang paninda sa pagkakaroon ng kaunlarang 35.8% mula sa 5,301 units at natamo ang 7,200 mga sasakyan. Sa larangan ng commercial vehicle sector, umangat din ito ng 10.8% mula sa 10,346 units at nakapagbili ng 11,462 units. Bahagyang bumaba ang benta ng light trucks ng may 4.8%, ang ibang sub-segments sa commercial vehicle category ay umangat.
Natamo ng Toyota Motor Philippines ang pinakamataas na benta sa 46.7% market share. Sinundan ito ng Mitsubishi Motors na may 17.4% share. Pangatlo ang Ford Group na may naitalang 8.8% samantalang ang Isuzu ang pumang-apat sa pagtatamo ng 6.6% samantalang panglima ang Honda Cars na nagtamo ng 6.1% sa buong merkado.
1 2 3 4 5