|
||||||||
|
||
SA likod ng kaguluhan sa ilang bansa sa Gitnang Silangan at unti-unting pagbawi ng ekonomiya sa Europa at America, nakapagpadala ang mga manggagawang Filipino ng may US$ 2.6 bilyon noong nakalipas na Disyembre at kinatagpuan ng 6.4% na pag-angat kung ihahambing sa buwan ng Disyembre noong 2013.
Sa buong taon ng 2014, umabot ang remittances sa halagang US$ 26.9 builyon at mas mataas ng 6.2% sa paghahambing sa naipadalang salapi noong 2013.
Ayon kay Bangko Sentral Governor Amando M. Tetangco, Jr., mas malaki ito sa ginawang pagtataya ng kanyang tanggapan na 5% sa buong 2014.
Nagpatuloy ang pagpapadala ng remittances mula sa mga manggagawang nasa lupa na may mga kontratang higit sa isang taon at mga nagtatrabaho sa karagatan at land-based workers na may mga kontratang mas maiksi sa isang taon.
Nadagdagan din ang salaping idinaan sa bangko noong Disyembre at umabot sa US$2.3 bilyon na kumakatawan sa 6.6% increae sa paghahamboing sa salaping ipinadala noong Disyembre 2013. Sa buong taon, ang cash remittances na dumaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 24.3 bilyon at mas mataas ng 5.8% kaysa naitala noong 2013.
Ang mga manggagawang land-based ay nakapagpadala ng US$18.7 bilyon samantalang ang mga magdaragat naman ay nakapagpadala ng may US$ 5.6 bilyon.
Nagmula ang remittances sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Singapore, Japan, Hong Kong at Canada.
Idinagdag ni Gobernador Tetangco na ang mga ipinadalang salapi ng mga manggagawang Filipino ay umabot sa 8.5% ng gross domestic product.
Nangangailangan pa rin ang daigdig ng mga manggagawang Filipino sapagkat nakapagpadala ang Pilipinas ng 1.6 milyong manggagwa noong 2014. Aprubado ang job orders sa pagkakaroon ng 878,609 na posisyon at kinakitaan ng kaunlarang umabot sa 10.7% growth.
Umabot naman sa 43.6% na mga trabahong naproseso ay para sa service, production, professional at technical workers para sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Taiwan at Qatar.
Idinagdag pa ni Gobernador Tetangco, sa pagtatapos ng 2014, umabot na ang tie-up ng BSP sa remittance centers, correspondent banks at branches at representative offices sa ibang bansa ay umabot na sa 4,765.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |