|
||||||||
|
||
Procurement Reforms, mahalaga
GINAWA NA NG AQUINO ADMINISTRATION ANG NARARAPAT GAWIN. Nanindigan si Budget and Management Secretary Florencio Abad na ginawa na nila sa loob ng apat na taon ang mga repormang kailangan sa procurement system. Mayroon ng cashless transactions at mayroong makabagong teknolohiya upang masuri ng lahat ang mga transaksyong pinapasok ng pamahalaan. (Melo M. Acuña)
SINABI ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na mahalaga ang pag-aayos ng palatuntunan sa procurement sapagkat ito ang magiging susi upang matamo ang pagiging masinop at praktikal.
Sa kanyang talumpati sa programang itinaguyod ng Friedrich Neumann Foundation at ng European Union, sinabi ni Secretary Abad na nalinis nila ang procurement processes at kakikitaan ng transparency at bukas sa pagsusuri ninoman.
Napalawak umano nila ang Philippine Government Electronic Procurement System na hindi lamang limitado sa paglalagay ng bid opportunities sa website sapagkat may detalyes din sa mga proyektong naigawad, may sapat na impormasyon ang mga supplier, contractor at consultants na makapagrehistro at makalahok sa procurement process sa pamamagitan ng online platform. Masusuri din ng publiko ang mga proyekto sa pagsisimula nito hanggang sa pagtatapos.
Sinimulan na rin nila ang cashless transactions upang maiwasan ang katiwalian.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |