|
||||||||
|
||
Kalakal ng Pilipinas at European Union, lumalago, tumatatag
KALAKAL NG PILIPINAS AT EU, TUMATATAG. Sinabi ni Ambassador Guy Ledoux ng European Delegation to the Philippines na higit na tumatatag ang kalakal sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang kabilang sa European Union. Ipinarating din ni Ambassador Ledoux ang kahalagahan ng public procurement sa pagpasok ng mga kalakal mula sa iba't ibang bansa. (Melo M. Acuña)
IBINALITA ni European Delegation Ambassador Guy Ledoux na patuloy na gumaganda ang kalakalan ng Pilipinas at mga bansang saklaw ng European Union.
Tinataya ng ambassador na ang pangkalahatang kalakal ay hihigit sa € 12 bilyon sa nakalipas na taon. Nagmumula ang 30% ng total foreign direct investments sa European Union na nagdudulot ng may 450,000 hanapbuhay.
Sa kanyang talumpati sa idinaos na pagpupulong na pinamagatang "Fair competition, "Transparency and Procurement: Attracting EU Investment to the Philippines," sinabi ni Ambassador Ledoux na samantalang nagsasama-sama ang mga pamilihan, naiiwan naman ang procurement markets sa prosesong ito.
Ang public sector ang nangungunang namimili sa ekonomiya ng alinmang bansa sapagkat umaabot ito mula sa 10 hanggang 25% ng Gross Domestic Product. Sa European Union, ito ay umaabot sa 19% ng kanilang Gross Domestic Product o € 2,406 bilyon samantalang sa buong daigdig, aabot ito sa US$ 6,000
Higit na gaganda ang sistema ng pamahalaan sa pagpapahusay ng regulatory systems ng public procurement tulad ng Transparency, Competition at Equal treatment at non-discrimination.
Makabubuti ang open regulatory system para sa Public Private Partnership ng Pilipinas.
Idinagdag pa ni Ambassador Ledoux na nagmula ang Foreign Direct Investments sa bansa noong 2004 sa halagang €10 bilyon at umabot na sa € 25 bilyon noong 2013. Ilang mga kumpanya ang nagdadalawang isip na maglagak ng salapi (sa Pilipinas) dahilan sa kawalan ng katiyakan sa bidding processes. Kinabibilangan ito ng maiiksing timeframes mula sa paglalathala, pagsusumite ng mga formal requirements tulad ng certification of eligibility at pagsasalin ng mga dokumento.
Iminungkahi din ng ambassador na ayusin ang legal framework para sa mga banyagang lalahok sa subasta upang makapantay ang mga banyagang kumpanya. Kailangan ding ipatupad ang layunin ni Public Works Secretary Singson na Government Public Procurement Board na magpapaluwag ng foreign bids para sa mga infrastructure na hihigit sa P 1 bilyon. Kung bababaan ang "threshold," tiyak na mas magiging kapaki-pakinabang para sa lahat, dagdag pa ni Ambassador Ledoux.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |