Pag-aangkat ng hayop mula sa Chinese Taipei, ipinagbawal
PANSAMANTALANG ipinagbawal ni Secretary Proceso Alcala ang pag-angkat ng domesticated at wild birds at karne, sisiw, itlog at punlay mula sa Chiayi county sa Chinese Taipei.
Layunin ng pagbabawal na maipagsanggalang ang local livestock at mapanatiling ligtas ang pagkain sa bansa mula sa Highly Pathogenic Avian Influenza o HAPI. Ibinalita ng Agricultural Technology Research Institute ng Taipei sa Office of International des Epizooties na mayroong HAPI outbreak serotype H5N8 virus na nakaapekto sa mga sakahan sa kanilang mga gansa sa Da-Lin township.
Sa ilalim ng kautusan, mayroong ipatutupad na emergency measures tulad ng pansamantalang suspension ng pagpoproseso, pagsusuri ng mga application at paglalabas ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance at pagsamsam ng lahat ng kargamento mula sa apektadong pook. Pipigilin at sasamsamin ang lahat ng kargamento maliban sa heat-treated products.
Ang importasyon ay masasaklaw ng mga itinatadhanan sa mga probisyon ng OIE Terrestrial Animal Health Code of 2014.
1 2 3 4 5