|
||||||||
|
||
20150309Meloreport.mp3
|
APAT na manggagawang Filipino at limang iba pang mga banyaga ang dinukot sa pananalakay sa isang oilfield sa Libya. Ito ang impormasyong mula sa Department of Foreign Affairs. Isinisisi ng Libyan government ang pagdukot sa Islamic State jihadists.
Walong guardia ang napaslang sa isang pananalakay sa isang oil field sa Al-Ghani noong Biyernes ayon sa tanggapang obligasyong ipagtanggol ang mahahalagang instalasyon sa bansa.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, iniulat na ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli ang pagkakadukot sa apat na Filipino at limang iba pang banyaga na kinabibilangan ng isang Austrian, dalawang Bangladeshi, isang Czech national at isang Ghanian. Nawawala pa rin ang isang Austrian at isang Filipino matapos ang pananalakay.
Wala pang impormasyon kung sino ang nasalikod ng pagdukot at wala pang anumang kahilingan.
Tumataas ang peligro sa pook at nasa alanganin ang seguridad ng mga Filipino oil workers sa Libyan oil fields na target ng mga armadong grupo.
Pitong Filipino na ang nadukot mula sa Libya ngayong taon. Hindi pa batid kung ano ang kinalalagyan ng tatlong iba pang dimukot sa Al-Mabruk oil field noong Pebrero.
Mayroong 13,000 mga Filipino sa Libya ng simulan ang mandatory repatriation noong Hulyo 2014. Nakauwi na ang may 4,000 mga manggagawa samantalang nanatili ang ilan sa Libya sa pangambang walang trabahong mapapasukan sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |