Mga mananakbo, "natunaw"
MULA sa inaasahang higit sa 1,000 mananakbo mula sa Dasmarinas, Cavite, umabot labang sa halos 15 katao ang bumaybay sa mga lansangang 44 na kilometro patungo sa Campo Crame at sa Our Lady of Immaculate Heart of Mary parish sa UP Village sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon kay Fr. Robert Reyes, lubha niyang ikinagulat ang biglang pagbabago ng mga agensya ng pamahalaang nagbigay ng pahintulot sa kanilang pagdaraos ng "March with the Widows, Run with the Heroes". Nagulat sila, sampu ng mga opisyal ng Philippine National Police Academy Alumni Association sa liderato ni Retired Chief Supt. Tomas Rentoy III ng bawiin ang permisong ibinigay ng Metro Manila Development Authority, Philippine National Police at Quezon City Government sa ilalim ni Mayor Herbert Bautista.
Ipinaliwanag nina Fr. Reyes at General Rentoy na hindi sila pinayagang magtipon sa Camp Crame Grandstand sapagkat hindi naman umano PNP- related ang kanilang aktibidad. Ayon naman kay Mayor Bautista, nakasabay ng pagdiriwang ng International Women's Day ang pagsasama-sama ng mga nabalo at naulila ng Fallen 44.
Ipinagtanong ni Fr. Reyes kung bakit sila pinagbabawalang makiramay sa mga nasawing pulis sa Mamasapano. Ang pakikidalamhati, tulad ng galit ay bahagi ng pagkatao ng tao, dagdag pa niya.
1 2 3 4 5 6 7