Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apat na Filipino, dinukot sa Libya

(GMT+08:00) 2015-03-10 10:52:42       CRI

Mga dahilan sa kasong treason, idinitalye

PINANINDIGAN ni Atty. Homobono Adaza at ng kolumnistang si Herman Tiu Laurel ang kanilang usaping treason laban kina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at ilang mga opisyal ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front na dinala sa Ombudsman noong nakalipas na Miyerkoles, ika-apat ng Marso.

Ito ang kanilang pahayag sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga. Ipinaliwanag ni G. Adaza, dating Member of Parliament noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos, na labag sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pagkakaloob ng bahagi ng republika sa isang maliit na sektor ng lipunan, ang Moro Islamic Liberation Front.

Pinagtangkaan na umanong gawin ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa ilalim ng kanyang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain subalit sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema, taliwas ito sa Saligang Batas kaya't hindi naipatupad.

Marami na umanong nasawi sa pakikipaglaban sa mga nagnanais humiwalay sa bansa kaya't nararapat managot ang pangulo at mga kasama sa kanilang pakikipagkasundo sa Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi naman ni UP College of Law Professor Harry Roque na sang-ayon siya sa mga paninindigan nina Atty. Adaza at G. Laurel bagama't may posibilidad na mapawalang-saysay ang reklamo kung hindi papangalanan ang iba pang mga tao sa usaping rebelyon.

Nabanggit ang katagang rebelyon sapagkat mayroong mga probisyon sa Saligang Batas at sa Oath of Office ni Pangulong Aquino na ipagsasanggalang ang estado at mga mamamayan. Maliwanag sa katagang estado na saklaw nito ang mga lupain at karagatang nasasakop ng PIlipinas.

Para kay dating Quezon City Mayor Brigido Simon, Jr., nakapagtataka ang papel ng Estados Unidos sa mga usaping ito tulad ng paglalakbay ni Pangulong Aquino at pagkakaroon ng visa ng liderato ng MILF sa kanilang pag-uusap sa Japan.

Labas-masok din sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front sina dating US Ambassador Kristie Kenney at ang pinuno ng The Asia Foundation sa Pilipinas na magpapatunay lamang ng interes ng America sa Mindanao.

Naniniwala sina G. Laurel at G. Simon na ang operasyong naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Linggo, ika-25 ng Enero ay kagagawan ng mga Americano. Ang pagtatakip na ginagawa ni dating PNP Chief Alan Purisima ay hindi upang ipagsanggalang si Pangulong Aquino kungdi ang mga Americano na may kampo na sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa pagtalakay sa Bangsamoro Basic Law na ngayo'y nakabimbin sa Senado at Kongreso, sinabi ni Atty. Adaza na ang mga abogadong tumulong sa pagbuo nito ay kailangang magbasa ng Saligang Batas ng Pilipinas upang mapatunayan nila ang kanilang pagkakamali at kakulangan ng kabatiran hinggil sa soberenya ng bansa.

Ayon pa kay Atty. Adaza, walang anumang pagtanggi ang pamahalaan na tumanggap sila ng salapi mula sa Malaysia na nagkakahalaga ng US$ 750 milyon. Ang katahimikan sa likod ng mga impormasyong lumalabas na may salaping sangkot para sa Bangsamoro Basic Law at pagbibigay ng higit na karapatan sa MILF ay nangangahulugan lamang na totoo ang mga detalyes na nakakarating sa Maynila at mga kalapit-pook.

Nangangamba si Atty. Adaza na walang katiyakan ang darating na halalan sa 2016 kahit pa itinatadhana ito ng batas sapagkat may pangamba ang liderato kung ano ang kanilang kahihinatnan sa kanilang mga ginawang paglabag sa batas.

Kahit umano si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na iisang hinga na lamang ang layo sa panguluhan ay hindi magpapatawag ng halalan sa darating na Mayo upang mailigtas ang kanyang mga kamag-anak sa kapahamakan.

Naniniwala si G. Laurel na mahalaga pa rin ang magiging papel ng America sa darating na halalan. Lubos lamang niyang ipinagtataka kung bakit napakalakas ng impluwensya ng mga America sa Pilipinas samantalang wala namang malakas na impluwensya sa ibang mga bansa.

Para kay Atty. Roque, ang pagsasakripisyo ng mga pulis na nasawi sa sagupaan sa Mamasapano ang nagbukas ng kamulatan ng mga Pilipino sa mga tunay na nagaganap sa bansa at sa impluwensya ng mga Americano sa bansa.


1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>