|
||||||||
|
||
BIFF nalagasan ng 73, 33 ang sugatan, apat ang nadakip
PATULOY na nalalagasan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa pagkasawi ng may 73 katao at 33 ang nasugatan sa pagpapatuloy ng pananalakay ng Armed Forces of the Philippines sa North Cotabato at Maguindanao hanggang kaninang umaga. May apat na iba pang nadakip noong Sabado ng umaga.
Umabot na sa 25,000 katao ang lumikas dahil sa mga sagupaan. Apat din ang nasawi sa panig ng pamahalaan at mayroong 29 ang nasugatan. Kabilang sa napaslang si 1Lt. Grommel Auman, executive officer ng 6th Scout Ranger Company na nasawi sa madugong sagupaan.
Sinabi ni 1Lt Blas Alsiao na katabi niya si Auman sa kanilang pagtatangkang mapasok ang pinagkukutaan ng mga BIFF. Tumagal umano ng limang oras ang kanilang sagupaan at napasok ang dalawang pinagkukutaan ng BIFF at nabawi ang isang M60 machine gun.
Tinamaan umano si Auman sa leeg samantalang pinamumunuan ang kanyang mga tauhan sa pagsalakay sa kinalalagyan ng machine gun. Nasawi si Auman matapos ang isang oras.
Tatlong kawal ang nasawi sa anim na oras na sagupaan. Nagsimula ang sagupaan noong hapon ng Sabado na kinatampukan ng 33rd Infantry Battalion.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |