New People's Army, kinondena
KINONDENA ng Armed Forces of the Philippines ang ginawang panununog ng New People's Army sa pitong cargo trucks sa Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon kahapon ng umaga
Sa isang pahayag, sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Public Information Officer ng AFP, nagpapakita lamang ito ng kawalan ng idolohiya sapagkat nangingikil na lamang sa mga mangangalakal at motorista na naglalakbay sa pag-itan ng Bukidnon at Davao.
Paglabag umano ang mga gawaing ito sa batas tulad ng Republic Act No. 5467 at Presidential Decree 1613 na nagtatadhana ng mga paraan ng panununog. May kaakibat na parusa ito lalo pa't lumalabag sa International Humanitarian Law.
Ani Col. Cabunoc, tutulong sila sa Philippine National Police upang madakip ang mga may kagagawan ng panununog at titiyaking malilitis kaagad.
1 2 3 4 5 6 7