|
||||||||
|
||
Nabalo't naulila, nanawagan kay Pangulong Aquino
SA paggunita ng ika-44 na araw ng madugong sagupaan sa Mamasapano, nanawagan si Gng. Erika Pabalinas, sa ngalan ng mga naulila at nabalo sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force na mabatid man lamang nila ang katotohanan at maigawad ang katarungan sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.
Sa isang emosyonal na mensahe kahapon sa Misang idinaos sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Claret School, UP Village, Quezon City, nanawagan si Gng. Pabalinas na huwag na sanang tumagal ng 44 buwan o 44 taon ang paghahatid ng katotohanan at katarungan sa kanilang hanay.
Ikinalungkot ng kanilang grupo na nasawi ang kanilang mahal sa buhay sa ngalan ng katarungan subalit tila mailap ang katarungan para sa kanilang pamilya.
Para kay retired Police General Enrique Cuadra, Al Haj, nakalulungkot ang naganap sa SAF 44 sapagkat ito ang pinakamalaking casualty rate sa hanay ng Special Action Force.
Marami umanong leksyong matututuhan sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.
Sa likod ng madugong naganap, naniniwala pa rin siya na kapayapaan ang pinakasusi sa mga suliranin ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |