Pangkalahatang exports ng Pilipinas, bagsak noong Enero
BUMAGSAK ang total exports ng Pilipinas dahil sa mas mahinang pangangailangan ng manufactures at mas mababang benta mula sa petroleum kahit pa tumaas ang export ng minerals at agro-based products. Ito ang balitang nagmula sa National Economic and Development Authority
Ibinalita ng Philippine Statistics Authority na ang merchandise exports ay umabot sa US$ 4.36 bilyon noong Enero na kinakitaan ng "marginal drop" ng 0.5% mula sa US$ 4.38 bilyon noong nakalipas na taon. Ito ang naganap kahit pa lumago ng 34% ang export ng mineral products at 12.9% growth sa export ng agro-based products.
Hindi gasinong mapupuna ang pagbaba kung ihahambing sa trade-oriented economies sa ilang piling bansa sa Silangang Asia na nagkaroon ng negative outturns sa merchandise exports sa parehong panahon. Naging mahina ang pangangailangan ng ilanb sa major trading partners tulad ng Japan, Korea at Singapore. Ito ang paliwanag ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.
Nagkaroon ng mas mataas na shipments ng copper metal, copper concentrates, at iron ore agglomerates na nagpalago ng mineral products at umabot sa US$201.0 milyon noong Enero 2015 mula sa US$150.0 milyon noong Enero 2014.
1 2 3 4 5