|
||||||||
|
||
150227melo.m4a
|
Pilipinas at Francia, lumagda sa mga kasunduan
SUMAKSI sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Pangulong François Hollande sa seremonyang kinatampukan ng paglagda sa mga kasunduan hinggil sa pagsasanggalang sa kapaligiran at karagatan, higher education and research, turismo at transportasyon kahapon ng hapon sa Palasyo Malacañang.
Naganap ang paglagda sa mga kasunduan sa unang araw ng pagdalaw ni Pangulong Hollande at inaasahang magpapainit pa sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Lumagda sa isang Declaration of Intent ang Pilipinas at Francia hinggil sa proteksyon ng kapaligiran at pangangalaga sa mga karagatan at likas yaman nito.
Isang kasunduan din ang nilagdaan sa larangan ng higher education at research. May kasuduan ding nilagdaan upang magkaroon ng ibayong pagtutulungan hinggil sa turismo. Isang kontrata ang pinasok ng Pilipinas para sa disenyo at pagtatayo ng Manila Light Rail Transit Line 1 Extension. Hindi binanggit sa kasunduan kung gaano ang halaga ng disenyo at pagtatayo nito.
Nagkasundo rin ang Pilipinas at Francia sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) na magtatagal hganggang 2043. May inilaan ding US$ 57.5 milyon para sa Cebu Rapid Bus project.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |