Foreign Direct Investments lumago noong 2014
NATAMO ng Pilipinas ang pinakamalaking Foreign Direct Investments sa halagang US$ 6.2 bilyon noong 2014 at tumaas ito ng may 65.9% mula sa US$3.7 bilyon noong 2013. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, patuloy na lumago ang FDIs dahil sa matatag ng investors' confidence sa matatag na macroeconomic fundamentals.
Tumaas ang net equity capital infusion sa taon ng may 206.7% at natamo ang US$ 2 bilyon mula sa US$ 664 milyon noong 2013 sa pagkakaroon ng 6.2% increase sa equity capital replacements sa pagkakaroon ng 67.8% declanine sa equity capital withdrawals. Nagmula ang karamihan ng kalakal sa financial and insurance, manufacturing, real estate, mining and quarrying at wholesale at retail trade sectors.
Ang karamihan ng equity capital investments noong nakalipas na Disyembre ay mula sa Estados Unidos, Hong Kong, United Kingdom, Republic of Korea at Singapore na nakarating sa financial at insurance, mining at quarrying, real estate, manufacturing, at information and communication sectors.
1 2 3 4 5