|
||||||||
|
||
Unemployment rate bumaba noong Enero
PATULOY na bumaba ang bilang ng mga walang hanapbuhay noong Enero ng taong ito. Umaasa ang National Economic and Development Authority namagpapatuloy ito at higit na magpapataas sa kita ng mga mahihirap na pamilya.
Sa January 2015 Labor Force Survey, gumanda ang datos para sa employment, unemployment at underemployment. Ibinalita ng Philippine Statistics Authority na ang employment ay lumago ng 2.8% at umabot sa 37.5 milyon mula sa 36.4 milyon noong Enero 2014. Nangangahulugan ito na may 1.04 milyong mga Filipino ang nagkatrabaho mula Enero 2014 hanggang Enero ng 2015, at mas mataas ito ng halos apat na ulit sa 281,000 trabaho na natamo noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na ang labor market ay nakinabang sa pagkakaroon ng paglago ng halos lahat ng sektor na mula sa services na umunlad ng 3.9% at nakadagdag ng 766,000 net employment gain noong Enero ng taong ito.
Bumaba ang unemployment rate noong Enero 2015 sa 6.6% mula sa 7.5% noong Enero ng 2014. Sa paglago ng employment sa 2.8% kung ihahambing sa paglaki ng labor force growth sa 1.8% at dahilan sa mas malaking kaunlaran sa services, ang bilang ng mga walang trabaho ay bumaba ng 334,000 kaya't 2.6 milyon na lamang.
Ang lahat ng rehiyon ay kinatagpuan ng pagbaba sa unemployment rate noong Enero at ang unemployment rate sa mga kabataan mula 15 hanggang 24 na taong gulang ay bumaba ng 15.0% mula sa 17.3% noong Enero 2014.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |