|
||||||||
|
||
Tatlong kamag-anak ni Usman, nasawi sa sagupaan
TATLONG mga kamag-anak ni Basit Usman ang napaslang matapos ang serye ng mga sagupaan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Armed Forces of the Philippines sa Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.
Ayon sa Public Information Office ng AFP, kabilang sa mga nasawi sa serye ng mga sagupaan kahapon ang dalawang pamangkin ni Usman na sina Rene Masabpi at Kumidi Simeon.
Isa pang hindi nakikilalang kamag-anak ni Usman ang napaslang sa sagupaang kinatampukan ng Philippine Marines sa Pamalian, Sharrif Saydona Mustapha. Ang tatlong nasawi ay inilibing ng mga umatras na tauhan ng BIFF sa mabababaw na libingan sa Sitio Ilang, Barangay Tina, Shariff Aguak, Maguindanao. Mga sibilyang informer ang nagbigay ng balita.
Idinagdag pa ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 8 na humigit kumulang sa 20 mga bandido ang sugatan o nasawi na sa serye ng mga sagupaan at dinala ng mga kasamang palayo sa pook ng sagupaan.
Tinutugis pa ng Marine Battalion Landing Team 8 sa ilalim ni Lt. Col. Willy Manalang ang grupo ni Usman at limang mga terorista na ipinagsasanggalang ng BIFF sa ilalim ni Mohammad Ali Tambako.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |