|
||||||||
|
||
150409melo.m4a
|
Dating kalaban, kaibigan na ngayon
KAPAYAPAAN, TANGING DAAN SA KAUNLARAN. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paggunita ng ika-73 taong "Araw ng Kagitingan" sa Mt. Samat Shrine sa Pilar, Bataan. Ang dating kalaban, ang bansang Japan, ay isang nang kaibigan sa paghahangad ng kapayapaan at kaunlaran sa Pilipinas, dagdag pa ni Pangulong Aquino. (Malacanang Photo Bureau/PCOO)
PANGULONG AQUINO, NAMUNO SA PAGGUNITA NG "ARAW NG KAGITINGAN." Kasama ni Pangulong Aquino si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg (kaliwa) at Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa (kanan) na kapwa nangakong magpapatuloy sa pagtulong sa Pilipinas. (Rey Baniquet/Malacanang Photo Bureau/PCOO)
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ang dating kalaban ay isa na sa mga kabalikat na naghahangad ng kapayapaan para sa lahat. Ito ang kanyang sinabi sa paggunita ng ika-73 taong "Araw ng Kagitingan" sa Mt. Samat, sa Pilar, Bataan.
Ginunita ng pangulo na ang Japan ay naging kabigan ng PIlipinas at Estados Unidos kahit pa naganap ang Ikawalang Digmaang Pandaigdig.
Hindi makakamtan ang kaunlaran ng pag-iisa. Ang kaguluhan ay mauuwi lamang sa higit na paghihirap at 'di pagkakaunawaan samantalang mas marami ang makikibanag sa pagkakaisa.
Anang pangulo, ito ang leksyon sa paghahangad ng kapayapaan ng Pamahalaan ng Pilipinas na maghari ang kapayapaan sa Mindanao sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law.
Nakabitin pa rin ang Bangsamoro Basic Law dahil sa naganap sa Mamasapano. Dalawang henerasyon na umano ang naghirap dahil sa kaguluhan mula sa mga sagupaan at mga trahedyang dulot ng mga kalamidad.
Idinagdag pa niya na kahit pa mayroong mga pagkakaiba, nabubuhay pa rin ang mga mamamayan at nakikibahagi sa iisang daigdig.
Sa kanyang pagbibigay-galang sa mga beterano, sinabi niyang natutuhan na ang mga aral ng Kasaysayan upang huwag na itong maganap na muli. Higit sa isang milyong Filipino ang nasawi noong digmaan.
Sa panig ni Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa, humingi siya ng kapatawaran sa lahat ng naghirap noong nakaraang digmaan at kanilang naaalala at hindi malilimutan ang naganap sa Pilipinas. Magkasama na sa kalakal at kaunalran ang Japan at Pilipinas, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni US Ambassador Philip Goldberg na magpapatuloy ang kanilang suporta para sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |