|
||||||||
|
||
Merchandise exports ng PIlipinas, bumagsak
ANG karaniwang pinagkakakitaan ng Pilipinas na merchandise exports ay bumaba ng may 3.1% noong nakalipas na Pebrero sa pagbaba ng benta ang agro0based products, manufacture at petroleum products.
Ito ang balita mula sa National Economic and Development Authority ayon sa Philippine Statistics Authority. Umabot ang benta sa halagang US$ 4.5 bilyon at mas mababa sa US$ 4.7 bilyon noong Pebrero 2014.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na ang karamihan ng mga bansa sa silangan at timog-silangang Asia ang nagkaroon ng negative export performance at tanging ang Tsina lamang ang nagtamo ng kaunlaran.
Ipinaliwanag pa ni G. Balisacan na naglalarawan lamang ito ng mahinang benta dahilan sa walang pangangailangan mula sa mga major trade partners tulad ng Japan at Tsina.
Nakita ang pagbaba ng benta sa pamamagitan ng mas maliit na mga kargamento patungong Japan at Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |