Mambabatas, humiling na magkaroon ng DNA database sa bansa
HINILING ni Las Pinas City Congressman Mark A. Villar na magtatag ng isang forensic deoxyribonucleic acide databank upang higit na mapalakas ang criminal justice system ng bansa.
Sa kanyang House Bill 5372, sinabi ni Villar na mayroong mga bagong paraan sa forensic DNA testing kaya't nagkakaron ng mga usaping nalulutas sa mga hukuman kaagad sa pagsisiyasat pa lamang.
Sa pamamagitan ng DNA, makikilala ang mga posibleng may kinalaman sa krimen sapagkat baka may pagkakatugma ang mga DNA na matatagpuan sa pook ng krimen. Ngayon ay ginagamit lamang ang DNA upang kilalanin ang mga biktima ng mga kalamidad, matiyak ang tunay na ama at iba pang relasyon.
Gagawing katanggap-tanggap ang makukuhang datos mulasa DNA databank sa pagkilala sa mga pagdinig sa alinmang hukuman sa bansa.
1 2 3 4 5 6