|
||||||||
|
||
Kalihim Albert F. Del Rosario, nanawagan sa mga Filipino sa Yemen at Libya
NANAWAGAN si Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario sa mga Filipinong nananatili sa Yemen at Libya na umuwi na sa Pilipinas bago maging huli ang lahat.
Sa isang video message na sinimulang ilagay sa YouTube, sinabi ni G. del Rosario na noong nakalipas na linggo ay lalong humirap ang paglilikas dahil sa mas malubhang situwasyon sa Libya at Yemen. Patuloy na lumalala ang mga sagupaan sa dalawang bansa.
Iminungkahi ni G. del Rosario na samantalahin na ng mga manggagawa ang repatriation program ng pamahalaan bago maging huli ang lahat. Napapanahon na, ani G. del Rosario ang paglilikas sa pinakamadaling panahon bago maging huli ang lahat. Maaaring tumawag sa Crisis Management Teams sa mga numerong +218 927 471 949 | +218 916 155 264 | +218 916 656 134 para sa Libya at 730-187-540 | 737-426-292 | 730-194-165 | 733-844-958 o mag-email sa cmt-sanaa@riyadhpe.com.
Maaari ding makipagbalitaan sa DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa telephone numbers 02-8344996 at mag-email sa oumwa@dfa.gov.ph.
Nakiusap din siya sa mga kamag-anak ng mga manggagawa sa Pilipinas na payuhan na ang kanilang mga mahal sa buhay na bumalik na sa bansa sa pinakamadaling panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |