Mga Amerikano, nanawagan sa mga Filipino na hadlangan ang human trafficking
NAGSAMA-SAMA ang mga kinatawan ng iba't ibang tanggapan sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila sa Tacloban City at nanawagan sa mga opisyal ng mga pamahalaang lokal na pag-ibayuhin ang kanilang kampanya laban sa human trafficking at ipagsanggalang ang kanilang mga komunidad sa makabagong paraan ng pang-aalipin matapos ang dalawang araw ng pagpupulong.
Sa pamamagitan ng Millenium Challenge Corporation at kabalikat na Millenium Challenge Account-Philippines ang nakapulong ng Philippines Against Chiled Trafficking. Ang mga kinatawan ng US Department of Justice, US Agency for International Development at Political Section ng embahada ang lumahok sa pulong bilang resource persons.
Sinabi ni Burak Inanc, Deputy Resident Country Director ng MCC Philippines, ang paglaban sa human trafficking ay mangangailangan ng malawak na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, kasama na ang mga na sa pamahalaang lokal.
1 2 3 4 5 6