Volunteers Against Crime and Corruption, pinuri ang hatol na lumabas mula sa Sandiganbayan
IPINAGPASALAMAT ng Volunteers Against Crime and Corruption ang hatol ng Sandiganbayan kina Oriental Mindoro Governor alfonso Umali, Jr., congressman Rodolfo G. Valencia at Board Member Romualdo Bawasanta sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ginawaran sila ng pagkakabilanggo ng sampung taon. Mula ang pahayag kay VACC Founding Chairman/President Dante Jimenez.
Isa umanong tagumpay ng katarungan ang lumabas na desisyon. Ikinalulungkot din ng VACC na may mga usapin pang inihain ang kanilang samahan sa ilan pang opisyal ng pamahalaan kamakailan.
1 2 3 4 5 6 7