|
||||||||
|
||
National Food Authority, hihigit sa target ang mabibiling palay
MAHIHIGITAN ng National Food Authority ang kanilang target na mabibiling palay mula sa mga magsasaka sa dami ng mga dinadalang ani sa kanilang mga tanggapan.
Sa unang bahagi ng taon, binalak ng tanggapan na makabili ng may 500,000 sako ng palay subalit sa ikalawang linggo pa lamang ng Abril ay halos 400,000 sako ng palay ang nabili at kumakatawan sa 79.7% ng target volume. Target nilang makabili ng may 935,000 bag ng palay sa buong taong 2015.
Nasaksihan ni Administrator Renan B. Dalisay ang pamimili ng palay sa San Jose, Occidental Mindoro sa kanyang pagdalaw doon.
Ani G. Dalisay, namimili sila ng palay sa halagang P 17.00 bawat kilo at mayroong dagdag na kabayaran bilang insentibo sa mga magsasaka at sa kanilang mga kooperatiba. Kasama rito ang 20 sentimos sa paghahatid ng palay sa NFA, 20 sentimos sa pagbibili ng tuyong palay, at 30 sentimos bilang cooperative incentive fee kaya't umaabot sa P17.70 bawat kilo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |