Tatlong mahistrado, hindi na lalahok sa usapin ni Binay
TATLONG mahistrado ang hindi na lalahok sa usaping nag-ugat sa temporary restraining order na nagmula sa Court of Appeals sa pagkakasuspinde kay Makati mayor Jejomar Erwin Binay.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, sina Associate Justices Presbitero J. Velasco, Arturo Brion at Francis Jardelez ay hindi na lalahok sa pagdinig. Naunang nagdesisyon huwag ng lumahok si Associate Justice Diosdado Peralta. Hindi na siya naupo sa unang pagdinig sa usapin kamakailan.
Walang anumang dahilang ibinigay. Boluntaryong nagdesisyon ang tatlo na huwag nang lumahok sa pagdinig.
Mananatili ang records sa interpellation subalit hindi na sila lalahok sa botohan. Lalabing-isang mahistrado ang dirinig sa oral arguments ng Ombudsman at ni Mayor Binay.
1 2 3 4 5 6 7