Hailstorm, naganap sa Quezon City
UMULAN ng mumunting yelo sa Visayas Avenue, Quezon City mga ikalawa ng hapon kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Unang nagbalita ang PAGASA, ang pambansang tanggapan hinggil sa panahon, na magkakaroon ng mga pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Bumuhos ang malakas na ulan hanggang sa Maynila at San Juan na sinabayan ng malakas na ihip ng hangin. Nagkaroon ng mga pagbaha sa mga lansangan. Karaniwan na umanong nagaganap ang hailstorm o pag-ulan ng yelo sa panahon ng tag-init.
Nagmula ang babala kay Buddy Javier, isang weather forecaster ng PAGASA sa Metro Manila.
1 2 3 4 5 6 7