Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mangangalakal at mga manggagawa, may mahahalagang papel sa bansa

(GMT+08:00) 2015-05-15 19:48:51       CRI

Kaunlaran, nararapat pakinabangan ng nakararami

BUSINESS PROCESS OUTSOURCING, MABUAY NA KALAKAL.  Sapagkat walang infrastructure investment ang mega BPOs at call centres, madly slang makakaalis ng bans sa oras na makatagpo ng mas murang pasahod at mas matatas mag-Ingles.  ito ang pahayag ni Manuel V. Pangilinan sa Employers Confederation of the Philippines kanina.  (Larawan ni Melo Acuna)

KAUNLARAN, nararapat pakinabangan ng nakararami," ito ng buod ng talumpati ni Manuel V. Pangilinan, chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company sa pagtatapos ng ika-36 na National Conference of Employers ng Employers Confederation of the Philippines sa Grand Ballroom D ng Marriott Hotel, Manila kanina.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Pangilinan na marami silang mga kalakal ngayon at layunin nilang mapaunlad ang kalagayan ng negosyo upang pakinabangan ng mga kawani at ng bansa.

Ani G. Pangilinan, sa oras na magkaroon ng mas maraming kalakal, mas maraming trabaho ang makakamtan at maiibsan ang kahirapan.

Binanggit niya ang mga nangungunang sektor ng kalakal na magdudulot ng mas maraming trabaho. Ang mga ito ay ang Turismo at Pagmimina. Kabilang din ang Medical Tourism at Retirement Homes.

Ang mga Call Center sa larangan ng Business Process Outsourcing ay isang mabuay na sektor ng hanapbuhay sapagkat walang infrastructure investments ang mga na sa BPOs. Ani G. Pangilinan, sa oras na makatagpo ang mga ito ng mas murang pasahod at magagaling mag-Ingles, madaling maka-aalis ang mga ito at makakalipat ng bansa.

Wala pa ring tatalo sa pagkakaroon ng mga pagawaing bayan na sasaklaw sa mga lansangan, tulay, daungan at mga paliparan sapagkat bukod sa pagkakaroon ng maraming magkakatrabaho, mapakikinabangan ang mga ito ng mga mangangalakal.

Sa kanyang pagtatapos, kailangang maganda ang takbo ng kalakal upang mapakinabangan ng iba't ibang sektor ng lipunan, dagdag pa ni G. Pangilinan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>