|
||||||||
|
||
Cardinal Tagle, nahalal na pangulo ng Caritas Internationalis
UNANG ASIANO, NAHALAL NA PANGULO NG CARITAS INTERNATIONALIS. Nahalal si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle na pangulo ng Caritas Internationalis na binubuo ng 165 bansa. (Larawan ni Roy Lagarde)
SA kauna-unahang pagkakataon, nahalal ang isang Asiano bilang pangulo ng Caritas Internationalis sa ika-20 pagpupulong sa Roma. Nahalal si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle kahapon.
Ayon kay Fr. Edu Gariguez, NASSA/Caritas Philippines executive secretary, nagtamo si Cardinal Tagle ng 91 boto mula sa 133 mga kinatawan ng iba't ibang bansa.
Isa-isang bumoto ang mga delgado. Ipinagpasalamat din ni Fr. Gariguez ang pagkakahalal kay Cardinal Tagle sapagkat angkop siya sa mga pangangailangan ng Caritas Internationalis.
Hindi nakadalo si Cardinal Tagle sa halalan sapagkat nasa Estados Unidos pa siya at tumanggap ng isang honorary doctorate degree mula sa isang dalubhasaan. Makakasama siya sa pagpupulong sa darating na Sabado.
Nagpasalamat siya sa pamamagitan ng tawag sa telepono at nagsabing ipinagpapasalamat niya ang pagtitiwala ng karamihan ng mga namumuno sa iba't ibang Caritas chapters sa buong daigdig. Tanggap ni Cardinal Tagle ang pagkakahalal sa kanya.
Umaabot sa 165 mga bansa ang kasapi sa Caritas Internationalis at ang bansang South Sudan ang pinakabagong kasapi. Binuo ang Caritas Internationalis noong 1950s ang tanggapan na dumadalo sa mga trahedya at nagsusulong ng tugon sa kahirapan at kaguluhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |