Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mangangalakal at mga manggagawa, may mahahalagang papel sa bansa

(GMT+08:00) 2015-05-15 19:48:51       CRI

Mapaminsalang sunog, naganap sa kinikilala ng World Bank na "business-friendly" city

EUROPEAN DELEGATION, NABAHALA SA POOR SAFETY STANDARDS.  Nanawagan lang European Delegation sa pamumuno ni Ambassador Guy Ledoux (kaliwa) na iwasan lang kapahamakan ng mga manggagawa.  Hinihintay din nila lang kalalabasan ng pagsisiyasat ng pamahalaan sa trahedyang naganap.  May 72 katao ang nasawi sa malagim na sunog.  (File Photo ni Melo Acuna)

ANG pagkasawi ng 72 manggagawa sa Kentex sa Lungsod ng Valenzuela ang siyang nagpatingkad sa mga paglabag sa mga karapatan ng mga manggagwa sa sinasabing 'business-friendly' environment.

Ayon sa research group na IBON, ang mga kinikilalang business-friendly concept ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ibayong kita subalit hindi nagsusulong ng kabutihan ng mga manggagawa at ng kanilang katayuan. Kinabibilangan ito ng flexible labor schemes, mababang pasahod at paglabag sa mga kautusang pangkaligtasan sa pinagtatrabahuhan.

Sa kanilang "Doing Business in the Philippines' 2011 Report", sinabi ng World Bank na ang Valenzuela ang isa sa nangungunang lungsod sa larangan ng kalakal sa madaling pagsisimula ng kalakal, pagpaparehistro ng ari-arian at pagpoproseso ng construction permits.

Napili rin ang Valenzuela City na pinaka-business-friendly at highly-urbanized city ng Philippine Chamber of Commerce and Industry noong nakalipas na Oktubre. Pumangalawa ang Valenzuela sa government-evacuation center category ng Liveable cities Design Challenge na binuo ng National Competitiveness Council at United States Agency for International Development o USAID.

Kumpirmado na samantalang may mga trabahong napakadelikado sapagkat malapit sa mga kemikal, ang karamihan ng mga manggagawa sa Kentex ay walang protective gear na paglabag sa occupational safety and health standards. Ang mga biktima ay nagipit sa ikalawang palapag ng pabrika na ang mga bintana ay may mga rehas. Walang sapat na fire exits ang mga gusali. Karamihan ng mga manggagawa ay contractual at nangangahulugan na walang social benefits na angkop sa mga regular na manggagawa.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>