European Union, nababahala sa kakulangan ng safety standards sa gusaling nasunog
NAGPARATING ng kanilang pagkabahala ang Delegation of the European Union to the Philippines sa naganap na sunog na ikinasawi ng may 72 mga manggagwa noong nakalipas na Miyerkoles.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ng delegasyon na bukod sa kanilang pakikiramay sa mga naulila at nawalan ng mga mahal sa buhay, nababahala sila sa mga balitang lumabas na mayroong nakalulungkot na kalagayan ang mga nasawi tulad ng kakulangan ng safety standards na maaaring naging dahilan ng pagpanaw ng maraming mga biktima ng sunog.
Makabubuting mabalita ang kalalabasan ng pagsisiyasat upang mabatid ang dahilan ng trahedya. Ipinagpapasalamat din nila ang layunin ng pamahalaan na matiyak na mayroong mahigpit na pagsunod sa lahat ng mga alituntunin hinggil sa occupational safety and health standards ayon sa nilalaman ng international labour standards at mga ILO conventions.
1 2 3 4 5 6