|
||||||||
|
||
Director General Guy Ryder, nakaiisa sa pagdadalamhati sa naganap na sunog
ILO SECRETARY GENERAL GUY RYDER, NAKIISA SA MGA NASAWI AT NAULILA. Nagpaabot ng pakikiramay si Secretary General Guy Ryder ng International Labor Organization sa mga nasawi sa pagkakasunog ngisang pabrika ng tsinelas at sapatos noong Miyerkoles. Nanawagan siya na tiyakin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga manggagawa. (File Photo ni Melo Acuna)
NAGPAABOT ng kanyang pakikiramay si Guy Ryder, Director General ng International Labor Organization sa pagkasawi ng 72 mga manggagawa sa isang pagawaan ng sapatos at tsinelas. Nakikiisa ang ILO sa pagdadalamhati sa pagkasawi ng mga manggagawa dahilan sa sakuna sa kanilang pinaglilingkuran.
Sa isang pahayag na ipinadala mula sa Geneva, sinabi ni G. Ryder na ang lahat ay may karapatang magtrabaho sa ligtas at malusog na kapaligiran ano pa mang industriya ang kanyang pinaglilingkuran.
Matitiyak na ligtas ang mga pinagtatrabahuhan sa pagsasaayos ng mga pabrika, at magaganap ito sa pamamagitan ng regular na inspeksyon upang matiyak na tumutugon ang mga kumpanya sa structural, fire at electrical safety at pagtiyak ng mga karapatran ng mga manggagwa, kasama na rin ang freedom of association art cllective bargaining.
Ani G. Ryder, nakahanda ang ILO na tumulong, makasama ng mga employer, mga manggagwa at kanilang mga samahan at stakeholders upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan sa mga pinagtatrabahuhan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |