|
||||||||
|
||
你(nǐ)的(de)邮(yóu)箱(xiāng)地(dì)址(zhǐ)是(shì)什(shén)么(me) 我(wǒ)忘(wàng)记(jì)密(mì)码(mǎ)了(le)
20150604Aralin56Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod: Ano ang adres ng e-mail mo?
你(nǐ)的(de)邮(yóu)箱(xiāng)地(dì)址(zhǐ)是(shì)什(shén)么(me)?
你(nǐ), ikaw o ka; 的(de), katagang kasunod ng pangngalan na nagpapakita ng pag-aari ng kakayahan, bagay at iba pa. 你(nǐ)的(de), mo o iyo.
邮(yóu)箱(xiāng), e-mail box.
地(dì)址(zhǐ), adres.
是(shì), katagang nagbibigay-diin.
什(shén)么(me), ano.
Narito po ang ikatlong usapan:
A: 你(nǐ)的(de)邮(yóu)箱(xiāng)地(dì)址(zhǐ)是(shì)什(shén)么(me)?Ano ang adres ng e-mail mo?
B: kapeattsaa@163.com.
Sususnod:nakalimutan ko ang password ko.
我(wǒ)忘(wàng)记(jì)密(mì)码(mǎ)了(le).
我(wǒ), ako o ko.
忘(wàng)记(jì), makalimutan.
密(mì)码(mǎ), password.
了(le), katagang nangangahulugan ng kaganapan ng aksyon.
Narito po ang ikaapat na usapan:
A: 哎呀(āiyā),我(wǒ)忘记(wàngjì)密码(mìmǎ)了(le)。Uuups, nakalimutan ko ang password ko.
B: 没关系(méiguānxi),再(zài)试(shì)一(yī)次(cì)。Hindi bale. Subukan mo uli.
Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Ang Internet ay isang bagay na napakahalaga ngayon sa Tsina, lalo na sa mga kabataan na gumagamit nito sa maraming kadahilanan: pagkuha ng impormasyon, pagtanggap at pagpapadala ng mga e-mail, at pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan sa loob at labas ng bansa, sa pamamagitan ng online chatting at kung anu-ano pa. May mga user na mas pinipiling mag-access sa Internet sa mga Internet bar, sa halip ng sa bahay, sa opisina, o sa paaralan. Sa kasalukuyan ang pamahalaang Tsino ay may mahigpit na regulasyon para sa operasyon ng mga Internet bar. Iyong mga pumapasok sa mga Internet bar ay dapat magpakita ng ID bilang patunay na sila ay nasa hustong gulang na, samantalang mayroon namang Internet bar na sadyang para sa mga menor de edad. Kung matutuklasan ng administrador na may mga batang tumitingin sa hindi karapat-dapat na website o naglalaro ng on-line game nang sobrang tagal, pakikiusapan ang mga ito na huminto o kung hindi naman ay umuwi.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |