Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Limampu't Walo Sa Bar

(GMT+08:00) 2015-06-19 09:14:09       CRI

要(yào)加(jiā)冰(bīng)吗(ma) 有(yǒu)没(mei)有(yǒu)碳(tàn)酸(suān)饮(yǐn)料(liào)


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Kung oorder naman kayo ng scotch, maari nilang tanungin kung gusto ninyo na may yelo. May yelo?

要(yào)加(jiā)冰(bīng)吗(ma)?

要(yào), kailangan o gusto.

加(jiā), lagyan o dagdagan.

冰(bīng), yelo.

吗(ma), katagang pananong.

Gusto ko walang yelo.

不(bù)加(jiā)冰(bīng).

不(bù)加(jiā)冰(bīng).

不(bù)加(jiā), huwag lagyan.

Narito po ang ikatlong usapan:

A: 请问(qǐngwèn)您(nín)喝(hē)点儿(diǎnér)什么(shénme)?Ano ang gusto ninyong inumin?

B: 我(wǒ)要(yào)一(yī)杯(bēi)苏格兰(sūgélán)威士忌(wēishìjì)。Gusto ko ng isang baso ng whisky.

A: 要(yào)加(jiā)冰(bīng)吗(ma)?Gusto ninyo ng yelo?

B: 不(bù)加(jiā)冰(bīng)。Walang yelo.

Meron ba kayong soft drinks?

有(yǒu)没(mei)有(yǒu)碳(tàn)酸(suān)饮(yǐn)料(liào)?

有(yǒu), mayroon; 没(mei)有(yǒu), wala; ang有(yǒu)没(mei)有(yǒu) ay isang karaniwang istruktura ng pangungusap na nangangahulugan ng "meron ba o wala?"

碳(tàn)酸(suān), carbonic acid; 饮(yǐn)料(liào), inumin; 碳(tàn)酸(suān)饮(yǐn)料(liào), soft drinks.

Narito po ang ikaapat na usapan:

A: 有没有(yǒumeiyǒu)碳酸(tànsuān)饮料(yǐnliào)?Meron kayong soft drinks?

B: 有(yǒu),您(nín)要(yào)哪(nǎ)种(zhǒng)?Opo. Aling klase ang gusto ninyo?

A: 我(wǒ)要(yào)一(yī)瓶(píng)可乐(kělè)。Gusto ko ng isang bote ng Coca Cola.

B: 好的(hǎode),请(qǐng)稍(shāo)等(děng)。Okey. Saglit lang po.

Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Sapul noong ika-9 na dekada, ang "bar culture" ay unti-unting lumitaw sa mga lunsod ng Tsina. Ang paglago ng "bar industry" ay may mahigpit na kaugnayan sa pag-unlad ng kabuhayan, lipunan at kultura ng Tsina. Sa mga mas higit na maunlad na lunsod na tulad ng Beijing, Shanghai at Shenzhen, ang negosyong may kinalaman sa bar ay mas higit pang malago. Sa Beijing, ang mga bar ay may iba't ibang istilo. Sa Shanghai, ang mga bar ay may pagka-romantic ang dating, at sa Shenzhen naman, ang mga bar ay hindi nauubusan ng excitement at naging paboritong mga lugar ng mga kabataan para sa kanilang pagrerelaks at paglilibang-libang.

Ang Beijing ay lunsod na may pinakamalaking bilang ng bars-at sa iba't ibang istilo. Dapat ding espesyal na banggitin ay iyong mga bar street sa paligid ng Shichahai Lake, na maganda rin namang lugar para sa pamamangka. Katubigan, mga bangka, mga tulay at mga bar… ang lahat ng mga iyan ay nagdaragdag ng magagandang tanawin sa pagiging kaakit-akit ng Beijing, lunsod na punung-puno ng kasaysayan.

Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!Maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>