|
||||||||
|
||
Kalihim Mar Roxas kay Mayor Binay: Hindi n'yo pag-aari ang Makati
KAILANGANG igalang ni Makati Mayor Jejomar "Junjun" Binay ang suspension order na ipinataw ng Ombudsman sapagkat hindi nila pag-aari ang Makati City.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II, walang naghahari-hari ditto kungdi ang batas. Batas ang ipinatutupad at iyon ang ginagawa ng kanyang tanggapan at ng Philippine National Police.
Ito ang sinabi ni Secretary Roxas sa mga tagapagbalita matapos ang isang pulong hinggil sa disaster preparedness.
Nagkagulo sa Makati City Hall matapos dumating ang mga opisyal ng DILG at dinala ang suspension order. Hindi sila pinapasok sa city hall kaya't inilagay na lamang nila ang kautusan sa pinto ng gusali.
Binato ng mga kaalyado ni Mayor Binay ng mineral water at upuan ang mga pulis.
Inilabas ng Ombudsman ang ikalawang suspension order kay binay hinggil sa sinasabing overpriced Makati Science High School.
Ayon kay Secretary Roxas, walang drama tungkol sa kanyang pamilya, sa kanila umanong paghahari-hari sa Makati. Batas na umano ang nagsasabing suspendido ka ng Ombudsman, patungkol ni G. Roxas kay Mayor Binay.
Makatutulong umano si Vice President Binay kung sasabihan niya ang kanyang anak na igalang ang batas. Nanindigan si G. Roxas na ipatutupad nila ang batas. Kakasuhan din ang mga nasangkot sa kaguluhan sa Makati City Hall.
May videotapes ang mga himpilan ng telebisyon ay makikita kung sino ang nanakit sa mga pulis, dagdag pa ni G. Roxas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |